๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐
Nagsagawa ng courtesy visit ang mga Barangay Secretaries sa Punong Bayan Nestor D. Natanauan upang ipagbigay-alam ang kanilang pagdalo sa nalalapit na Provincial Congress na gaganapin sa Agosto 20–22, 2026 sa Paraรฑaque City, Manila.
Layunin ng naturang pagtitipon na magsilbing pagkakataon para sa mga Barangay Secretaries na makilahok sa mga makabuluhang talakayan, palitan ng kaalaman at karanasan at mga usaping may kaugnayan sa kanilang mahalagang tungkulin sa pamahalaang barangay.
Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Talisay ang mga programa at gawaing naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng mga kawani at opisyal ng barangay para sa mas mahusay, episyente at responsableng paglilingkod sa mamamayan.
0 Comments