𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Sa pangunguna ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan, matagumpay na ginanap ngayong araw ang Ulat sa Bayan 2026 na may temang “Kapakanan ng Talisenyo, Tapat na Serbisyo, Patunay ng Pagbabago.”
Dinaluhan ito ni Congressman Atty. King Collantes, Board Member Alfredo C. Corona, Board Member Rodolfo M. Balba, mga investors, mga kaibigan ng Punong Bayan, mga opisyal ng Lokal at nasyonal na Pamahalaan, Liga ng mga Barangay, SK Federation, DepEd District Sub-office, mga kawani ng Lokal Pamahalaan, mga kinatawan ng iba't ibang sektor at mga mamamayang Talisenyo upang pakinggan ang ulat ng mga nagawa, naisakatuparan at mga programang patuloy na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon para sa ikauunlad ng Bayan ng Talisay.
Sa kanyang ulat, ibinahagi ng Punong Bayan ang mahahalagang proyekto, programa at serbisyong naihatid ng Lokal na Pamahalaan sa larangan ng imprastraktura, edukasyon, kalusugan, kabuhayan, agrikultura, serbisyong panlipunan at iba pang sektor na naglalayong mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng bawat Talisenyo.
Patunay ang Ulat sa Bayan 2026 ng patuloy na pagtupad ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa pangakong tapat na pamamahala, mahusay na paglilingkod at mga programang tunay na nakatuon sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng bawat mamamayan.
0 Comments