𝐁𝐅𝐏 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭𝐞𝐬𝐲 𝐚𝐭 𝐄𝐱𝐢𝐭 𝐂𝐚𝐥𝐥 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐍𝐞𝐬𝐭𝐨𝐫 𝐃. 𝐍𝐚𝐭𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧


𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Bilang pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon sa Lokal na Pamahalaan ng Talisay, nagsagawa ng courtesy call si SFO4 David A. Landicho upang pormal na magpakilala bilang bagong Municipal Fire Marshal ng Talisay Fire Station.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng exit call si FINSP Elmer Q. Cerna upang ipahayag ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa suporta, tiwala at matibay na pakikipagtulungan na kanyang natanggap sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Municipal Fire Marshal.

Ang gawaing ito ay nagpapakita ng matatag na ugnayan sa pagitan ng Bureau of Fire Protection at ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa patuloy na pagsusulong ng kaligtasan, kahandaan, at mahusay na serbisyong pampubliko para sa kapakanan ng bawat Talisenyo. 

Post a Comment

0 Comments