𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Opisyal nang inilunsad ang Waste Hero Project sa mga pampublikong paaralan sa Bayan ng Talisay sa pangunguna ng DepEd Talisay Sub-Office katuwang ang Sagip Taal Lake Movement (SATALA) at ang Lokal na Pamahalaan ng Talisay.
Layunin ng programang ito na palakasin ang kamalayan at pakikiisa ng mga mag-aaral, guro at buong komunidad sa wastong pamamahala ng basura, pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga paaralan at kapaligiran. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, isinusulong ng Waste Hero Project ang disiplina sa tamang paghihiwalay at pagtatapon ng basura, pagrerecycle at pangangalaga sa Lawa ng Taal tungo sa mas malinis at luntiang komunidad.
Patunay ang proyektong ito ng matibay na pagtutulungan ng sektor ng edukasyon, Sagip Taal Lake Movement at ng Lokal na Pamahalaan sa paghuhubog ng mga kabataang may malasakit sa kalikasan at pananagutan sa kanilang komunidad.
0 Comments