𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐅𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐢𝐞𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲


𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Isinagawa ang pamamahagi ng Supplemental Feeding supplies para sa 17 Child Development Workers sa Bayan ng Talisay upang suportahan ang pagpapatupad ng feeding program para sa mga batang benepisyaryo ng Child Development Centers.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na matiyak ang wastong nutrisyon ng mga bata at maisulong ang kanilang malusog na paglaki at pag-unlad.

Patuloy na nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng bawat batang Talisenyo.

Post a Comment

0 Comments