𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Dumalo ang Punong Bayan Nestor D. Natanauan sa ginanap na State of the Province Address (SOPA) ni Governor Vilma Santos-Recto kasama ang mga opisyal mula sa National, mga Punong Bayan at opisyales ng iba’t ibang bayan at lungsod sa Batangas at mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Governor Vilma Santos-Recto ang mga mahahalagang nagawa, mga programang naipatupad at mga prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan na nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng Lalawigan ng Batangas at kapakanan ng bawat Batangueño.
0 Comments