Hulyo 8, 2026
Sa pangunguna ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan katuwang ang Pangalawang Punong Bayan Francis M. Magsino, ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan at ang Pambayang Administrador, matagumpay na naipamahagi ang libreng PE uniforms sa mga mag-aaral ng Kindergarten, Grade 4, Grade 7 at Grade 11 sa mga pampublikong paaralan sa Bayan ng Talisay.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataang Talisenyo. Hindi man sapat pa ang pondong nailaan upang mabigyan ang lahat ng mag-aaral, nilalayon pa din ng programa na mapagaan ang gastusin ng mga magulang at makapagbigay sa mga mag-aaral ng uniporme gamit sa P.E.
0 Comments