𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Personal na tinanggap ni Mayor Nestor D. Natanauan si DENR Secretary Atty. Juan Miguel "Mitch" T. Cuna sa kanyang pagdalaw sa bayan ng Talisay at bilang bahagi ng seremonya ng paglagda sa Deed of Donation ng lupang idinonate ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa DENR, na matatagpuan sa likod ng Pamahalaang Bayan at siyang pagtatayuan ng bagong tanggapan ng Protected Area Management Office.
Dumalo rin sa nasabing programa sina Congressman Atty. King Collantes, DPWH Regional Director Engr. Carolina A. Pastrana, mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), mga Punong Bayan mula sa mga karatig na bayan at kinatawan ng Provincial Government of Batangas, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa proyektong magpapalakas sa pangangalaga at pamamahala ng Taal Volcano Protected Landscape.
Ang proyektong ito ay inaasahang higit pang magpapalawak ng koordinasyon sa pagitan ng DENR at ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan. Magiging sentro rin ito ng mga serbisyo ng DENR na magpapadali sa mga transaksyon hindi lamang ng mga mamamayan ng Talisay kundi ng mga karatig na bayan na sakop ng Protected Area.
Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay ang mga programang at proyektong nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan, mahusay na serbisyong pampubliko at kaunlaran para sa kapakinabangan ng bawat Talisenyo at ng mga susunod na henerasyon.
0 Comments