Sa pangunguna ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan, Pangalawang Punong Bayan Francis M. Magsino, mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, at ng Pambayang Administrador, matagumpay na naipamahagi ang school supplies sa lahat ng pampublikong paaralan sa Bayan ng Talisay.
Patuloy na ipinapakita ng lokal na pamahalaan ang suporta at malasakit para sa mga kabataang Talisenyo upang mas maging handa sila sa kanilang pagbabalik eskwela. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral at maabot ang magandang kinabukasan.



0 Comments