Pinangasiwaan ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Talisay Municipal Government Employees Association (TMGEA) sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Gng. Adora Seña.
Ang panunumpa ay simbolo ng kanilang pagtanggap sa responsibilidad na pangunahan at paglingkuran ang kapakanan ng mga empleyado ng pamahalaang bayan. Layunin ng asosasyon na higit pang mapatatag ang pagkakaisa, kooperasyon, at malasakit sa hanay ng mga kawani upang maisulong ang mas mahusay at episyenteng serbisyo publiko para sa mamamayang Talisenyo.
Ang panunumpang ito ay nagsisilbing panibagong yugto ng pagkakaisa at mas pinaigting na pagtutok sa kapakanan at kapakanan ng bawat kawani, tungo sa mas maayos at produktibong paglilingkod para sa bayan ng Talisay

0 Comments