Personal na binisita kahapon (araw ng Linggo) ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan ang kasalukuyang isinasagawang konstruksyon ng gabion retaining wall sa ilog ng Barangay Sampaloc bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay na maprotektahan ang komunidad laban sa pagguho ng lupa at pagbaha lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan.
Layunin ng proyekto na patibayin ang pampang ng ilog upang maiwasan ang erosion at mapanatili ang kaligtasan ng mga residente at mga kalapit na imprastraktura. Sa kanyang pagbisita, personal na sinuri ng Punong Bayan ang progreso ng proyekto upang matiyak na ito ay naipatutupad nang maayos, ligtas, at naaayon sa itinakdang plano at pamantayan.
Ang proyektong ito ay pinondohan mula sa Local Disaster Fund, bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaang lokal sa disaster mitigation at resiliency efforts ng bayan ng Talisay.





0 Comments