
Matagumpay na naisagawa ang 𝟓𝐭𝐡 𝐍𝐃𝐍’𝐬 𝐂𝐮𝐩 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐁𝐚𝐬𝐤𝐞𝐭𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐕𝐨𝐥𝐥𝐞𝐲𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞) na may temang “𝐍𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐥𝐚𝐛: 𝐃𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚,” na naglalayong higit pang palakasin ang pagkakaisa, sportsmanship, at camaraderie ng mga mamamayan sa Bayan ng Talisay.
Pinangunahan ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan at ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ng Pangalawang Punong Bayan Francis M. Magsino ang pagbubukas ng naturang palaro kaagapay ang mga Punong Barangay at ang kanilang mga Kagawad, Sangguniang Kabataan, mga pinuno ng tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga kalahok na koponan, coaches, at mga tagasuporta mula sa iba’t ibang barangay. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Punong Bayan ang kahalagahan ng palakasan bilang instrumento upang mahubog ang disiplina, pagtutulungan, at pagkakaibigan sa komunidad.




0 Comments