𝐄𝐱𝐢𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐂𝐘𝟐𝟎𝟐𝟓


Isinagawa ang Exit Conference para sa Calendar Year 2025 sa pangunguna ni Gng. Katherine G. Paceño, OIC-Audit Team Leader, bilang bahagi ng pagsusuri at pagtalakay sa resulta ng isinagawang pag-audit sa mga programa, proyekto, at operasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay.
Layunin ng nasabing pagpupulong na maipresenta ang mga obserbasyon, at rekomendasyon ng audit team upang higit pang mapahusay ang sistema ng pamamahala, pagpapatupad ng mga programa, at paggamit ng pondo ng bayan.
Dinaluhan ito ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan kasama ang Pambayang Administrador Alfredo S. Anciado at mga pinuno ng iba't-ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay na nagbigay ng kanilang mga kasagutan at paglilinaw kaugnay ng mga usaping tinalakay. Naging mahalagang bahagi rin ito sa pagpapatibay ng transparency, accountability, at maayos na pamamahala sa paglilingkod sa mamamayang Talisenyo.








Post a Comment

0 Comments