Sa pangunguna ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan at Sangguniang Bayan sa pamumuno ng Pangalawang Punong Bayan FrNcis M. Magsino isinagawa ang drug testing para sa mga halala na opisyal at mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng programa para sa isang drug-free workplace sa bayan ng Talisay. Gayundin, ito ay para sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at episyenteng kapaligiran sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Layunin ng gawaing ito na tiyakin ang kapakanan ng mga kawani at mapanatili ang mataas na antas ng integridad, disiplina, at propesyonalismo sa hanay ng mga lingkod-bayan. Ito rin ay alinsunod sa pagsusulong ng isang malinis at responsableng pamahalaan na nakatuon sa pagbibigay ng dekalidad na
serbisyo para sa mamamayang Talisenyo.



0 Comments