Nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa ating mga Senior Citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Marso, sa pamamagitan ng pagbibigay ng Senior Birthday Cash Gift na nagkakahalaga ng ₱500 bawat isa mula sa lokal na pamahalaan.
Layunin ng programang ito na kilalanin at pasalamatan ang mahalagang papel ng ating mga nakatatanda sa komunidad, gayundin ang patuloy na pagbibigay-suporta sa kanilang kapakanan at pangangailangan.
Narito ang bilang ng mga benepisyaryo mula sa bawat barangay:
- Poblacion 1–8 – 80
- Miranda – 12
- Banga – 34
- San Guillermo – 13
- Sta. Maria – 17
- Balas – 14
- Buco – 12
- Caloocan – 14
- Leynes – 11
- Sampaloc – 38
- Tumaway – 23
- Quiling – 36
- Aya – 59
- Tranca – 27
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang kapakanan ng ating mga nakatatandang mamamayan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa pag-unlad ng ating bayan
0 Comments