Pasasalamat sa mga Ahensya at Volunteers na Naglingkod ngayong Semana Santa




 Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa lahat ng mga ahensya at indibidwal na naglaan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong daloy ng mga gawain ngayong Semana Santa para sa ating mga kababayan at mga bumisita sa bayan.

Sa pangunguna ni Pambayang Administrator Alfredo S. Anciado, kasama ang Talisay MPS, BFP Talisay, Philippine Coast Guard, MDRRMO, Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, TMO, Talisay Health Center, BHW, Communication Assistance Radio Team (CART), Philippine Red Cross, HPG, at iba pang mga masisipag na volunteers, naging maayos ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at kaayusan ng publiko.

Dahil sa inyong pagtutulungan, naging maayos ang daloy ng mga gawain at napanatili ang katahimikan at kaayusan sa ating bayan sa panahon ng paggunita ng Mahal na Araw.

Muli, maraming salamat sa inyong dedikasyon, sakripisyo, at malasakit sa patuloy na paglilingkod para sa bayan ng Talisay, Batangas. Mabuhay po kayong lahat!

Post a Comment

0 Comments