Nagkaloob ang Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas, sa pamamagitan ni Pambayang Administrator Alfredo S. Anciado, ng tulong pinansyal kina G. Eufronio Mendoza at Gng. Milleth Mendoza na naapektuhan ng sunog na naganap noong Marso 22 sa Brgy. Quiling.
Layunin ng tulong na ito na makapagbigay ng agarang suporta sa pamilya upang makatulong sa kanilang muling pagbangon at pagsisimula matapos ang sinapit na trahedya.
Patunay ito ng patuloy na malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa mga mamamayang nangangailangan ng agarang tulong, lalo na sa panahon ng sakuna at hindi inaasahang pangyayari. Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Talisenyo
0 Comments