Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas, sa pangunguna nina Kgg. Florencio Mainot, Sr. at Pambayang Administrator Alfredo S. Anciado, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultura, ang pamamahagi ng Fuel Subsidy Cards sa 75 rehistradong magsasaka na nagtatanim ng gulay sa bayan.
Ang bawat subsidy card ay naglalaman ng halagang tatlong libong piso (₱3,000.00) na tulong mula sa Kagawaran ng Pagsasaka – Rehiyon IV-A, bilang suporta sa mga magsasaka sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.
Layunin ng programang ito na mabawasan ang gastusin sa produksyon ng mga magsasaka at mapanatili ang tuloy-tuloy na suplay ng produktong agrikultural sa ating komunidad.
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa pagpapatupad ng mga programang sumusuporta sa sektor ng agrikultura upang mapalakas ang kabuhayan ng mga magsasakang Talisenyo
0 Comments