Pagpupulong ng Management Committee ng Talisay para sa 2nd Quarter ng 2026



 Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay ang isang mahalagang pagpupulong ng Management Committee noong ika-8 ng Abril, 2026. Pinangunahan ni Punong Bayan Nestor S. Natanauan at Pambayang Administrador Alfredo S. Anciado ang nasabing pagtitipon kung saan nag-ulat ang bawat pinuno ng tanggapan tungkol sa kanilang mga planong programa at gawain para sa ikalawang kwarter ng taon.

Layunin ng pagpupulong na ito na mas mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng bawat tanggapan upang matiyak ang maayos, mabilis, at epektibong paghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Talisay.

Kabilang sa mga tinalakay ang:

  • Kasalukuyang estado ng mga proyektong imprastraktura.

  • Mga programa para sa kalusugan, edukasyon, at turismo.

  • Paghahanda para sa mga darating na aktibidad at posibleng sakuna.

  • Estado ng pananalapi ng lokal na pamahalaan.

Patuloy ang paggawa ng Lokal na Pamahalaan upang masigurong ang bawat proyekto ay nakatutugon sa pangangailangan ng komunidad.

Post a Comment

0 Comments