Dumalo ang ating Punong Bayan, Mayor Nestor D. Natanauan, sa isinagawang Emergency Operations Center Executive Course Training na ginanap sa Club Balai Isabel noong ika-16 ng Abril, 2026.
Ang pagsasanay na ito ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Pangunahing layunin nito na palakasin ang kahandaan, estratehiya, at kakayahan ng ating lokal na pamahalaan sa mabilis at maayos na pagtugon sa anumang uri ng sakuna at emerhensiya na maaaring dumating sa ating bayan.
Nakiisa rin sa mahalagang training na ito ang mga sumusunod:
Mga Miyembro ng Sangguniang Bayan
Mga Kapitan ng Barangay
PNP Talisay at BFP Talisay
Mga Punong Guro mula sa iba't ibang paaralan sa Bayan ng Talisay
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na pinagtitibay ang koordinasyon at kaalaman ng bawat sektor upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayang Talisayeño sa oras ng pangangailangan.
0 Comments