Pagbisita sa Tanggapan ng Punong Bayan ng Bagong Talagang Punong-Guro ng Talisay Senior High School




Mainit na tinanggap ni Punong Bayan Nestor D. Natanauan si Gng. Jaena N. Dela Cerna, ang bagong talagang Punong-Guro ng Talisay Senior High School, sa kanyang pagbisita sa Tanggapan ng Punong Bayan.

Kasabay nito ay ipinahayag ni Gng. Dela Cerna ang kanyang pasasalamat sa kanyang hinahalinhang Punong-Guro na si G. John D. Agdan, na naitalaga na sa Mabud Integrated National High School, bilang pagkilala sa kanyang naging ambag sa paaralan.

Patuloy na ipinapahayag ng Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas ang suporta nito sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga paaralan upang higit pang mapabuti ang kapakanan at kinabukasan ng mga mag-aaral sa bayan.

Post a Comment

0 Comments