Pormal na isinagawa ang Turn-Over of Leadership Ceremony para sa bagong talagang Punong-Guro ng Talisay Senior High School, si Gng. Jaena N. Dela Cerna, na tubong Talisay.
Dumalo sa nasabing programa si Pambayang Administrator Alfredo S. Anciado, kasama sina Punong-Guro ng Talisay Sub-Office PSDS – Balete Sub-Office Dr. Nancy D. Lubis, gayundin ang mga guro mula sa Primitivo Kalaw Senior High School at Talisay Senior High School bilang pakikiisa sa mahalagang okasyon.
Ang naturang aktibidad ay sumisimbolo ng pagpapatuloy ng matatag na pamumuno at adhikain ng paaralan na higit pang mapataas ang antas ng edukasyon para sa kabataang Talisenyo, at mapalalim ang ugnayan ng paaralan at komunidad.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa mga programang pang-edukasyon na naglalayong hubugin ang kinabukasan ng mga kabataan tungo sa isang mas maunlad na bayan
0 Comments