Pagbati sa Bagong Kasal: Alvin Atienza & Christy Inocencio

 


Isang taos-pusong pagbati ang ipinaaabot ng ating Punong Bayan, Nestor D. Natanauan, sa bagong kasal na sina Alvin Atienza at Christy Inocencio sa kanilang matagumpay na pag-iisang dibdib ngayong araw.

Saksi ang kanilang mga mahal sa buhay, pinagtibay ng dalawa ang kanilang pangako ng pagmamahalan at pagsasama habang buhay. Sa mensahe ng ating Punong Bayan, kaniyang idinalangin na maging matatag ang pundasyon ng kanilang pagsasama at magsilbi silang inspirasyon sa kanilang pamilya at sa buong komunidad.

Nawa'y patuloy kayong gabayan ng Maykapal sa bawat hakbang ng inyong paglalakbay bilang mag-asawa, at manatiling matatag ang inyong pag-iibigan sa kabila ng anumang pagsubok na darating.

Congratulations and Best Wishes to the Newlyweds!

Post a Comment

0 Comments