Isang malugod na pagbati ang ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay, sa pangunguna ni Mayor Nestor D. Natanauan, para kay Engr. Dave Lloyd C. Caguicla sa kaniyang tagumpay na pagpasa sa Civil Engineer Licensure Examination.
Ang iyong nakamit na tagumpay ay bunga ng iyong determinasyon at pagsisikap, at ito ay nagsisilbing karangalan para sa ating bayan. Nawa’y maging inspirasyon ka sa mga kabataang Talisayeño na nagnanais ding abutin ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.
Muli, congratulations, Engineer Dave Lloyd! Ipinagmamalaki ka ng buong Talisay!
0 Comments