Isang mainit na pagbati ang ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay, sa pangunguna ni Mayor Nestor D. Natanauan, para kay Engr. Alexis Marcus Miguel Jantoc Luna sa kaniyang matagumpay na pagpasa sa Civil Engineer Licensure Examination.
Ang iyong tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan kundi isang inspirasyon sa buong bayan ng Talisay. Patunay ito na ang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral ay nagbubunga ng tagumpay. Inaasahan namin ang iyong magiging kontribusyon sa pagpapatatag at pag-unlad ng ating bansa sa pamamagitan ng iyong propesyon.
Muli, congratulations, Engineer! Ipinagmamalaki ka ng iyong pamilya at ng buong Talisay!
0 Comments