Isinagawa ang Pabása ng Pasyón sa Brgy. Leynes, Talisay, Batangas bilang bahagi ng tradisyong Pilipino tuwing Mahal na Araw, na nagpapakita ng matibay na pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad.
Ang gawaing ito ay nagsisilbing paalala sa sakripisyo at pagmamahal ng Panginoon, at patuloy na pinahahalagahan bilang mahalagang bahagi ng ating kultura at espiritwal na pamana. Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok ng mga mamamayan, higit na napatatatag ang diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, at pag-asa sa komunidad.
Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas ang mga gawaing pangkultura at pang-espiritwal na nagpapatibay sa identidad at tradisyon ng mga Talisenyo
0 Comments