Isinagawa ngayong umaga ang Lingguhang Seremonya ng Pagtataas ng Bandila sa harap ng Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Talisay. Ang pagtitipon ngayong linggo ay pinangunahan ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office.
Sa pangunguna ni Mayor Nestor D. Natanauan, nakiisa ang mga kawani ng lokal na pamahalaan upang simulan ang linggo nang may sapat na sigla at dedikasyon sa pagseserbisyo. Ang ganitong mga aktibidad ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakaisa at disiplina sa loob ng ating organisasyon, habang muling pinagtitibay ang ating panata sa tapat at maayos na paglilingkod sa mga mamamayang Talisayeño.
Patuloy tayong magtulungan para sa masigla at maunlad na turismo at kultura ng ating mahal na bayan. Isang produktibong linggo sa ating lahat!
0 Comments