Isinagawa ngayong umaga ang Lingguhang Seremonya ng Pagtataas ng Bandila sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Mayor Nestor D. Natanauan.
Nakiisa ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay sa gawaing ito upang muling pagtibayin ang ating sinumpaang tungkulin sa bayan. Ang pagbibigay-pugay sa ating watawat tuwing Lunes ay nagsisilbing paalala ng ating pagkakaisa at dedikasyon na maghatid ng tapat at mahusay na serbisyo para sa bawat mamamayang Talisayeño.
Patuloy tayong magtulungan tungo sa isang progresibo at maayos na pamayanan. Isang mapagpalang linggo sa ating lahat!
0 Comments