Lingguhang Seremonya ng Pagtaas ng Bandila

 



Isinagawa ang Lingguhang Seremonya ng Pagtaas ng Bandila sa Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas, na pinangunahan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) kasama ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.

Ang lingguhang seremonyang ito ay nagsisilbing mahalagang pagkakataon upang higit pang mapagtibay ang pagkakaisa, disiplina, at dedikasyon ng mga lingkod-bayan sa patuloy na paghahatid ng maayos at episyenteng serbisyo publiko para sa mamamayang Talisenyo.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng iba’t ibang tanggapan, patuloy na napapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan tungo sa mas maayos na pagpapatupad ng mga programa at serbisyong pangkaunlaran sa bayan

Post a Comment

0 Comments