Lingguhang Seremonya ng Pagbababa ng Bandila

 


Isinagawa noong ika-16 ng Abril, 2026 ang Lingguhang Seremonya ng Pagbababa ng Bandila sa harap ng Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Talisay.

Ang seremonyang ito, na dinaluhan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, ay bahagi ng ating pagpapakita ng respeto sa pambansang sagisag at pagtatapos ng mga opisyal na gawain para sa linggong ito. Sa ilalim ng pangangasiwa ni Mayor Nestor D. Natanauan, patuloy nating pinapanatili ang disiplina at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga ganitong makabuluhang tradisyon.

Isang ligtas at mapayapang katapusan ng linggo ang hangad namin para sa lahat ng mga Talisayeño.

Post a Comment

0 Comments