Isang mahalagang inisyatibo para sa kalusugan ng mga ina ang nakatakdang ganapin sa ating bayan. Bumisita sa tanggapan ni Mayor Nestor D. Natanauan ang mga kinatawan ng Knights of Columbus Council 7652, District L-49 upang makipag-ugnayan para sa isasagawang Libreng Ultrasound para sa mga Buntis.
Ang proyektong ito ay bunga ng pagtutulungan ng Knights of Columbus sa pangunguna ni Grand Knight Edilberto Lorena, katuwang si DD Florencio M. Mainot, Parish Priest Rev. Fr. Eugene Hechanova, at ang Lokal na Pamahalaan ng Talisay. Layunin ng programang ito na masiguro ang ligtas at maayos na pagbubuntis ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal.
Detalye ng Programa:
🗓️ Petsa: Ika-18 ng Abril, 2026
🕗 Oras: 7:30 AM
📍 Lugar: Talisay Health Center and Birthing Home
Inaanyayahan ang mga buntis sa ating bayan na samantalahin ang pagkakataong ito para sa inyong kaligtasan at ng inyong dinadalang sanggol. Maraming salamat sa Knights of Columbus sa inyong malasakit at serbisyo!
0 Comments