Inagurasyon ng Pananda para kay Doña Maria "Nanay Angge" Laurel Platon

 


Pormal na pinasinayaan ang panandang alay para kay Doña Maria "Nanay Angge" Laurel Platon bilang pagkilala sa kanyang kabutihang-loob at malasakit sa bayan. Ang nasabing pananda ay itinayo sa lupang kanyang ipinagkaloob, kung saan kasalukuyang nakatayo ang Doña Maria Laurel Platon Memorial School (itinatag noong 1936) at ang Doña Maria Laurel Platon School of Agriculture (itinatag noong 2012).

Ang espesyal na programang ito ay nataon din sa paggunita ng kanyang ika-148 kaarawan. Kasabay nito ang pagbabasbas sa mga pananda na pinangasiwaan ni Reb. Padre Milo Malabuyoc.

Dinaluhan ang okasyon nina:

  • Punong Bayan Nestor S. Natanauan

  • G. Marito L. Platon (apo ni Doña Maria)

  • Mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga opisyales ng Brgy. Aya.

  • Mga pinuno ng tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay.

  • Mga Punong-Guro, guro, mag-aaral, at opisyales ng SPTA mula sa dalawang paaralan.

Ang legasiya ni Nanay Angge ay nagsisilbing inspirasyon at paalala sa kasalukuyan at susunod na henerasyon tungkol sa kahalagahan ng edukasyon at tunay na pagmamahal sa bayan.

Post a Comment

0 Comments