Nakiisa si Punong Bayan Nestor D. Natanauan sa mahalagang pagdiriwang ng ika-29 na Taunang Pagtatapos ng Talisay Polytechnic Institute noong ika-8 ng Abril, 2026. Ang seremonya ay naging makabuluhan sa ilalim ng temang "Pilipinong Nagtapos: May Husay, Paninindigan, at Handa sa Hamon ng Kinabukasan."
Sa kanyang naging mensahe, ipinaabot ng Punong Bayan ang kanyang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nagsipagtapos. Kinilala niya ang kanilang determinasyon, pagsisikap, at dedikasyon na naging pundasyon upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Hindi rin kinaligtaan ni Mayor Natanauan na pasalamatan ang mga guro, magulang, at ang buong pamunuan ng institusyon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kanilang patuloy na paggabay at suporta sa paglinang ng kakayahan at mabuting asal ng kabataan, na siyang magdadala sa kanila tungo sa isang matagumpay na bukas.
Isang malaking karangalan para sa bayan ng Talisay ang makasaksi ng panibagong henerasyon ng mga propesyonal na handang mag-ambag sa lipunan.
0 Comments