Dumalo si Pambayang Administrator Alfredo S. Anciado bilang kinatawan ni Punong Bayan Nestor D. Natanauan sa Ika-11 Seremonya ng Pag-angat ng Antas ng mga mag-aaral mula sa Talisay Polytechnic Institute.
Sa nasabing programa, taos-pusong nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa mga mag-aaral na matagumpay na nakamit ang panibagong yugto sa kanilang paglalakbay sa edukasyon. Nagpaabot din ng pasasalamat sa mga guro at magulang na naging katuwang sa paggabay at pagsuporta sa mga mag-aaral sa kanilang pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Hinikayat din ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap at dedikasyon sa pag-aaral upang maging handa sa mga susunod na hamon sa kanilang akademikong paglalakbay.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa sektor ng edukasyon bilang pundasyon sa paghubog ng kabataang may kakayahan at determinasyon tungo sa mas maliwanag na kinabukasan
0 Comments