Courtesy Visit ng mga Opisyal ng Solo Parent Federation

 


Ngayong araw ay nagkaroon ng courtesy visit ang mga opisyal ng Solo Parent Federation sa ating Punong Bayan, Nestor D. Natanauan. Ang pagtitipong ito ay naglalayong talakayin ang iba't ibang proyekto at programang nakatuon sa kapakanan at proteksyon ng mga solo parent sa ating komunidad.

Pangunahing layunin ng pagbisita na mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng Solo Parent Federation at ng Lokal na Pamahalaan. Tinalakay din ang pagpapalakas ng suporta sa mga serbisyong panlipunan na makakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga solo parent sa ating bayan.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng ating pamahalaan sa iba't ibang sektor upang matiyak na walang naiiwan sa ating pag-unlad.

Post a Comment

0 Comments