Panunumpa sa Katungkulan ng Bagong SK Chairperson ng Brgy. Buco




 Pinangunahan ni Punong Bayan Nestor D. Natanauan ang panunumpa sa katungkulan ni G. Carl Ivan M. Torres bilang bagong Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson ng Barangay Buco, Talisay, Batangas noong Marso 17, 2026.

Ang nasabing seremonya ay isang mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng liderato ng kabataan sa barangay at sa patuloy na pakikiisa nito sa mga programang ipinatutupad ng Pamahalaang Lokal.

Hinangad ng Punong Bayan ang maayos na pamamahala at matagumpay na paglilingkod ni G. Torres, kasama ang dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang makikinabang ang kabataang Talisenyo at ang buong komunidad.

Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Talisay sa mga inisyatibong nagpapalakas sa papel ng kabataan sa pamamahala at pagpapaunlad ng lokal na pamayanan.

Post a Comment

0 Comments