𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐝-𝐏𝐢𝐧𝐬𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐞𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐔𝐰𝐚𝐧
𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Ginanap ang pamamahagi ng bayad-pinsala para sa 120 mga magsasaka na
nasiraan ng mga pananim at nawalan ng kita dahil sa Bagyong Uwan na nanalanta sa bansa noong Nobyembre, 2025. Ang pamimigay ng mga tseke na may kabuuang halaga na P 425,300.00 ay pinangunahan ng kinatawan mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na si Bb. Princess D. Mundia
kasama ang Pambayang Kagawad sa Komite ng Agrikultura, Kgg. Florencio Mainot, Pambayang Administrador Alfred S. Anciado at mga kawani mula sa
Tanggapan ng Pambayang Agrikultor.


0 Comments