𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲
𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Nagkaroon ng pagpupulong sa Tanggapan ng Punong Bayan ang Sagip Taal Lake o SATALA Movement sa pangunguna ng kanilang presidente G. Nelson Terrible.
Layunin ng nasabing pagpupulong na palakasin ang pangangalaga ng kapaligiran, Lalo na ang wastong waste segregation o paghihiwalay ng basura. Inaasahan ng Lokal na Pamahalaan na mapanatili ang kalinisan ng komunidad at mapangalagaan ang kalikasan, lalo na ang Lawa ng Taal na mahalagang yaman ng ating bayan.


0 Comments