Medical Mission Handog para sa mga Talisyenyo

 




𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐨𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐞𝐧𝐲𝐨

𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Naging matagumpay ang unang araw ng isinagawang Medical Mission ng Association of Philippine Physician In America na ginanap sa Mayor Domingo L. Marqueses Memorial Gymnasium. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Talisay at ng Sagip Taal Lake Movement.

Layunin ng programa na maghatid ng libreng serbisyong medikal sa ating mga kababayan. Gayundin ay matulungan ang mga pamilyang nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Nagkaroon ng 258 na operasyon, 175 para sa medical check-up, 215 para sa pagpapasalamin, 193 naman ang nagpabunot ng ngipin at 179 ang batang natuli.


Post a Comment

0 Comments