Bilang kinatawan ni Punong Bayan Nestor D. Natanauan, dumalo si Pambayang Administrator Alfredo S. Anciado sa ginanap na Ika-20 Taunang Pagtatapos ng mga mag-aaral sa Miranda Elementary School na may temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao.”
Taos-pusong nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa mga nagsipagtapos bilang pagkilala sa kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Ang kanilang pagtatapos ay nagsisilbing mahalagang hakbang tungo sa susunod na yugto ng kanilang edukasyon at sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa buhay.
Patuloy ding ipinapaabot ang pasasalamat sa mga guro, magulang, at pamunuan ng paaralan na naging katuwang sa paggabay at pagsuporta sa mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Talisay, Batangas sa sektor ng edukasyon bilang pundasyon ng paghubog ng kabataang may kakayahan at mabuting pagkatao.
0 Comments