Isinagawa ngayong araw ang Labor Education para sa apatnaraan at tatlumpu’t dalawang (432) mag-aaral ng Grade 12 ng Talisay Senior High School bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa mundo ng pagtatrabaho.
Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman si Ms. Ann Jelyn F. Natividad, Senior Labor and Employment Officer mula sa DOLE Batangas Provincial Office tungkol sa karapatan at responsibilidad ng mga manggagawa, tamang proseso ng paghahanap ng trabaho, at iba pang mga programang maaaring mapakinabangan ng mga kabataan.
Layunin ng gawaing ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magsisipagtapos upang maging handa, responsable, at may sapat na impormasyon sa kanilang tatahaking landas pagkatapos ng kanilang pag-aaral.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Talisay sa mga programang nagbibigay-kaalaman at oportunidad para sa ating mga kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
0 Comments