𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐫𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐎𝐮𝐭𝐥𝐞𝐭 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔







Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Civil Registrar Office sa pangunguna ni Gng. Cynthia P. Ramilo sa Philippine Statistics Authority, matagumpay na naisagawa ang Civil Registration Service Mobile Outlet at National ID Registration na ginanap sa Gusaling Pambayan.
Iba't-ibang serbisyo ang isinagawa ngayong araw para sa ating mga kababayan: 158 ang mga nabigyan ng serbisyo, 327 ang naisyuhan ng dokumento, 55 ang nakapag rehistro sa National ID at 6 ang nakakuha ng Phil ID.
Ang ganitong programa ay inilapit sa ating mga kababayan upang makaiwas sa paghihintay sa mahabang pagpila at malaking gastusin.

Post a Comment

0 Comments