Bilang suporta ng dating Punong Bayan Gigi Platon sa Punong Bayan Nestor D. Natanauan ay naisagawa ang isang makabuluhang Medical Mission na handog ng Helping Hands katuwang ang The Regnum Christi Tanauan na tatlong taon na ginagawa sa ating bayan, ito ay para sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong medikal para sa mga Talisenyo.
Ito ay dinala sa ating bayan ng namayapang si Amb. Jose Macario Laurel IV at kanyang may bahay na si Gng. Violeta R. Laurel na ipinagpatuloy naman ng kanilang anak na si G. Mariano Jose R. Laurel.
Isinagawa sa Laurel District Hospital ang 2 Minor Operation at 5 Major Opeation. Sa Aya Covered Court naman ay nagkaroon ng 564 Medical, Dental at Optical Consultation.
0 Comments