𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐥𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔







Matagumpay na naisagawa sa ikatlong taon ang Helping Hands Medical Mission na ginanap sa Talisay Multi-Purpose Gym. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Rectum Christi, Faith Tanauan, Lokal na Pamahalaan ng Talisay at sa pamagitan ng Talisay RHU sa pangunguna ni Dra. Victoria Luna. Layunin ng programa na makapaghatid ng libreng serbisyong medikal sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng konsultasyon, operasyon, dental care, at pamamahagi ng gamot.
Sa ikalawang araw ng medical mission, ito ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng serbisyo sa mamamayan ng barangay Tumaway, Poblacion 1-8 at Miranda.
Primary Care – 211  
Dental Services – 102  
Reading Glasses – 174  
Pharmacy: 570 gamot ang naipamahagi  
Minor Operations – 6  
Major Operations – 4  
Patuloy ang ating pasasalamat sa lahat ng volunteer doctors, medical staff, partners, at organisasyong naglaan ng oras at serbisyo upang maisakatuparan ang programang ito. Ang sama-samang pagkilos ay patunay ng tunay na malasakit at pagkakaisa para sa kalusugan ng ating komunidad.

Post a Comment

0 Comments