𝐒𝐚𝐧 𝐆𝐮𝐢𝐥𝐥𝐞𝐫𝐦𝐨 𝐀𝐜𝐚𝐝𝐞𝐦𝐲 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐑𝐑𝐒𝐏𝐂






𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Bumisita sa Tanggapan ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan ang kalahok ng Reconfigured Regional Schools Press Conference (RRSPC) mula sa San Guillermo Academy na si Ashley Rose E. Manaysay, kasama ang kanyang coach na si Bb. Angelika M. Hernandez.
Personal na ipinahayag ng Punong Bayan ang kanyang suporta at pagbati kay Ashley sa kanyang paglahok sa naturang kompetisyon na gaganapin sa Antipolo City Science & Technology High School mula Pebrero 22–27, 2026.
Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ang dedikasyon at husay ng ating mga kabataang patuloy na nagbibigay dangal sa kanilang paaralan at sa ating komunidad. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang pagsisikap sa iba pang mag-aaral na patuloy na mangarap at magsumikap para sa kanilang mga layunin.

Post a Comment

0 Comments