𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Dumalo ang Punong Bayan Nestor D. Natanauan sa Alignment and Coordination meeting ng mga Mayors ng Batangas na ginanap sa bayan ng Malvar, kasama sina Executive Secretary Ralph G. Recto at Gov. Vilma Santos-Recto, upang talakayin ang mga posibleng proyektong maaaring maipatupad sa ating bayan.
Layunin ng pagpupulong na higit pang mapagtibay ang ugnayan ng mga lokal na pamahalaan at makapaglatag ng mga programang magbibigay ng mas maayos na serbisyo at karagdagang oportunidad para sa ating mga kababayan.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan sa iba’t ibang ahensya at lider ng lalawigan upang masiguro ang mga proyektong magdudulot ng pangmatagalang kaunlaran para sa ating bayan.
0 Comments