𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐏𝐒𝐀 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐞𝐧𝐲𝐨 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔






Personal na ipinagkaloob ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan kasama si Gng. Cynthia P. Ramilo, MGDH-MCR ang libreng PSA Birth Certificate sa mga mag-aaral mula sa elementarya sa ating bayan.
Ang programa ay maayos na inilunsad sa pakikipagtulungan ng Municipal Civil Registrar Office sa Philippine Statistics Authority. Layunin din ng programa na matulungan ang mga magulang at mag-aaral sa pagkuha ng mahahalagang dokumento na kinakailangan sa paaralan at iba pang transaksyon.
Bilang ng batang nabigyan:
161 - Doña Maria Laurel Platon Memorial School
50 - Tumaway Elementary School 
262 - Banga Elementary School

Post a Comment

0 Comments