Isang gabi ng pasasalamat at pagkilala ang ginanap sa NDN Resort & Event Place bilang pagtatapos ng Helping Hands Medical Mission 2026. Dinaluhan ito ng Pambayang Administrador Alfredo S. Anciado, mga kinatawan mula sa Helping Hands US, mga kawani ng Talisay Health Center and Birthing Home sa pangunguna ni Dra. Vergara Luna,, mga volunteer doctors, medical staff, at mga katuwang na organisasyon na naging bahagi ng matagumpay na misyong medikal ngayong taon.
Ang gabing ito ay hindi lamang isang salu-salo, kundi isang pagdiriwang ng pagkakaisa, paglilingkod, at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nag-ambag ng oras, talento, at suporta para sa kalusugan ng ating komunidad.
0 Comments