𝐓𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲, 𝐈𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐨 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔





Ipinagdiwang ngayong araw ng Talisay Sub-Office ang husay, talento at malikhaing kakayahan ng mga mag-aaral sa isinagawang Festival of Talents. Mayroong 17 na kategorya kung saan ang mapipili ay magiging kinatawan ng Bayan ng Talisay sa District Level.
Dumalo rito ang Pambayang Administrador Alfredo S. Anciado bilang kinatawan ng Punong Bayan Nestor D. Natanauan, kasama ang mga Punong-guro at mga guro.
Ang Festival of Talents ay naglalayong ipakita ang iba't- ibang talento ng kabataan at para mahubog ang kumpiyansa, disiplina at pagpapahalaga sa kultura at sining ng mga mag-aaral.

Post a Comment

0 Comments