𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐤𝐚- 𝟏𝟓𝟕 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐨 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔






Bilang paghahanda para sa darating na Founding Anniversary ng bayan at kapistahan ng Patrong San Guillermo, nagkaroon ng pagpupulong ang Pambayang Administrador Alfredo Anciado kasama ang pinuno ng Pambayang Tanggapan ng Turismo at Ugnayang Pang-Kultura, Bb. Genalyn M. Barba sa mga Punong Barangay sa pangunguna ng kanilang Pangulo Kgg. Edgardo Santarin. 
Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mga nakatakdang aktibidad at mga programa, mga hakbang upang matiyak ang maayos, makabuluhan at makasaysayang pagdiriwang. Kabilang sa mga napag-usapan ang partisipasyon ng mga barangay sa mga aktibidad, seguridad, kalinisan at ang pagpapakita ng mayamang kultura at kasaysayan ng bayan.

Post a Comment

0 Comments